Philippin De TagalogTungkol sa AminAno ba ang SACC?
Kami ay isang dalubhasang grupo na kinabibilangan ng mga manggagamot, nars at tagapayo. Nagbibigay kami ng mga madaliang panggagamot o lunas, kasama na ang imosyonal na karamdaman sa mga kabataan (mula 12 taon pataas), kababaihan, at kalalakihan na naging biktima ng karahasan at nagkaroon kamakailan lang ng karanasang pang-aabusong sekswal. Ang aming serbisyo ay walang bayad at buong ingat naming iniingatan na hindi mabunyag ang mga impormasyon na ibinibigay ng mga biktima. Kaya naming pangalagaan ang mga biktimang may pisikal na kapansanan. Mayroon din kaming mga interpriter o tagasalin na maaaring tumulong sa mga hindi maka-unawa o nahihirapang makipag-usap sa wikang Ingles. Kami ay handang tumulong araw-araw, dalawampu't apat(24) na oras.
Saan Matatagpuan ang Sexual Assault Care Centre?Pumunta lamang kayo sa Emergency Department ng Grace Division ng Scarborough Hospital, 3030 Birchmount Road, Scarborough, Ontario. Ang ospital na ito ay nasa kanto ng Finch Avenue at Birchmount Road. Maaari rin kayong tumawag sa 416-495-2555. Ano ba ang Mangyayari sa Akin Kapag Ako'y Pumunta Dito?Ang aming Emergency Staff ang aalalay sa iyo at magbibigay ng kaukulang lunas at gamot para sa anumang pinsalang natamo. Tatawag kami ng isang SACC nars na siyang magdadala sa'yo sa isang ligtas at tahimik na lugar sa ospital upang mabigyan ka ng kaukulang atensiyon at mapangalagaan. Pakikinggan ka niya at ipauunawa sa iyo and mga hakbang na maaari mong gawin. Kung nais mong mangalap o mag-ipon at magkaroon ng sapat na ebidensiya laban sa may sala sa iyo, ang SACC doktor ay tatawagin. Ano Pa?Maaari kang magpa-eksamin at magpagamot ng anumang sugat o pinsalang natamo. Maaari ka ring magpagamot ng anumang sakit na maaaring nailipat o naihawa sa iyo bunga ng sekswal na pang-aabuso. At mayroon din kaming maibibigay para sa pagpipigil ng pagbubuntis kung kinakailangan. Pwede rin kaming mangalap at mag-rekord ng pisikal na ebidensiya kung nanaisin mong mag-sampa ng kaso. Pagtitipon ng Ebidensiyang Pisikal:Isang Sexual Assault Examination Kit ang ginagamit upang tipunin ang ebidensiya mula sa iyong katawan at damit upang makatulong sa anumang ligal na proseso. Ang mga ebidensiyang ito ay maaari lamang makolekta sa loob ng pitumpu't dalawang (72) oras mula nang mangyari ang pang-aabuso. Kung ikaw ay hindi pa sigurado kung magsusuplong sa pulisya, ang ebidensiyang natipon ay maaaring iimbak o i-freeze sa loob ng anim (6) na buwan sa SACC. Ito ay upang makapag-isip-isip ka kung ano ang gusto mong gawin. Hindi kami magri-report ng sekswal na pang-aabuso sa pulis o magbibigay ng kahit anumang impormasyon maliban na lamang kung ito'y iyong hihilngin na gawin ng nars o doktor para sa iyo. Paglabas Mo ng Ospital:Sisiguraduhin ng nars na may sapat kang kaalaman tunkol sa mga karaniwang naiisip, nararamdaman at naikikilos ng mga biktima ng pang-aabusong sekswal. Bibigyan ka ng mga rekomendasyon at mga pangalan ng doktor na tumingin at nag-alaga sa iyo para sa follow-up treatment. Mga impormasyon tungkol sa mga ligal na hakbang ay ibibigay din sa iyo. Tatawag sa iyo ang SACC nars makaraan ang ilang araw upang alamin ang iyong kalagayan at sagutin ang mga nais mo pang malaman. Report na Hindi Kailangang Ibunyag ang Pangalan (Anonymous Report):Kung ayaw mong maimbistigahan ng mga pulis, maaari kang mag-report na may kasiguraduhang hindi ka mabubunyag sa pamamagitan ng pagsagot o sa pag-fill-out mo ng Anonymous Third Party Report. Ang report na ito ay makatutulong sa pulisya upang makilala ang mga paulit-ulit na mga sekswal na nang-aabuso. Hindi gagamitin ang pangalan ng biktima sa report na ito. Ang porma na ito ay maaaring kunin sa opisina ng SACC. At puwede ka ring alalayan ng nars sa pag-fill-up nito. Serbisyong Pagpapayo:Ang sekswal na pang-aabuso ay isang kahindik-hindik na karanasan at dahil dito, karaniwan sa mga biktima ay hindi napapanatag ang isip, napapatulala at naaantala ang pagtakbo ng normal na pamumuhay. At ang SACC nars at doktor ay nandito para sumuporta sa'yo. Nakahanda kaming tumulong at magbigay-serbisyo upang tulungan kang ipagpatuloy ang iyong buhay. Maaari kaming kausapin ng iyong pamilya at mga kaibigan patungkol sa kanilang mga niloloob o iniisip, at para rin nilang mapag-aralan kung paano ka nilang higit na matulungan at masuportahan. Edukasyon:Isang mahalagang gawain ng SACC ay ang pagbibigay ng edukasyon at impormasyon sa mga paaralan, mga propesyonal at mga grupo ng kumunidad tungkol sa medikal, ligal at imosyonal na aspeto ng pang-aabusong sekswal. Mahalagang Impormasyon:Mahalagang tandaan na ang biktima kailanman ay walang kasalanan. Ang nang-abuso ang siyang may pananagutan sa kanyang ginawang hindi kanais-nais na pang-aabuso. |